Monday, May 26, 2014

Masakit na kasi talaga.

"Ang pinakamasakit ay yung sobrang sakit na pero wala kang karapatang masaktan."


Ang sakit sakit na! ang bigat bigat na! pero hindi pa rin. wala ka pa rin akong right at privilege na masaktan. Kumbaga sa anak, anak sa labas, sa asawa, kabit,  sa ari-arian, walang papel/lisensya o hindi nakarehistro. Illegitimate o illegal, hindi inohonor sa korte at hindi kinikilala.

Wala akong karapatan na masaktan kase ako ang naggago. Oo. Aminado ko na nagfling ako pero alam ko limits ko. Bored ako. Yung mga lalaki ngang nagloloko sinasabi nila ee “ayos lang, lalake ko ee, ganito talaga ang lalaki. innate na. hindi na maaalis. normal at kasama na sa amen yan”. Pero bakit pag ang babae “malandi, bayaran, puta, makati!”. Ang hard di ba! Ang sakit sakit mapagsabihan ng ganun. Iniintindi ko na lang kase dala na rin ng sobrang galit niya, alangan namang sumabay pa ko at mag-inarte. Nawalan na rin siya ng respeto sa aken, mababa na ang tingin niya. Kala niya pinapakamot ko ang kati ko sa iba, sa mga lalakeng nakita niyang naka-chat ko. Oo. mataas talaga ang sex drive ko. Lahat ng tao naman, hindi lang normal yung saken pero alam ko naman kung ano ang tama o mali at paano alagaan ang sarili ko. Oo, gusto ko pero pinipigilan ko kase iniisip ko siya. kinokontrol ko sarili ko. Pero oo alam ko mali pa rin ako kahit saang anggulo bakit ako nag-entertain. Tang-ina! sadya lang ba talagang mahina ang tolerance ko sa tukso. Lintek naman kase mga lapit ng lapit, ako tuloy ang napalayo sa kanya.

OO. Sobrang sakit na pero kailangang tanggapin lang ng tanggapin ikaw ang may kasalanan. Hindi ka man nakipagsex at nag-entertain ka lang naman ng mga lapit ng lapit ee ganito pa rin ang kalalabasan, hindi na mababago ang tingin ng mga tao  sayo.. So deserve ko lang to. Eto ang karma. Sige lang, saksakin at hampasin mo pa ko sa buong katawan ng magtanda. Hindi ako aaray (promise).

-kdm

NOTE: sinulat ko to nung MAY 26,2014 pa, nung fresh pa ang mga pangyayare. Nadala lang kame ng emosyon namen kaya nasabi namin ang mga nasabi.

8888

"Metaphor is use to describe somebody or something of a word or phrase that is not meant literally but by means of a vivid comparison expresses something about him, her, or it, e.g. saying that somebody is a snake."(Microsoft® Encarta® 2009. © 1993-2008 Microsoft Corporation. All rights reserved.)

Lately bago pa nangyare ang katapusan, habang magkasama kame narerealize ko na iba siya talaga sa lahat ng lalaki. Kaya naisip ko ee siya na gusto kong mapangasawa. Nakatulog ako pagkakaen namen ng umagahan, ang ganda ng panaginip ko siguro andun siya. Hindi ko na matandaan basta alam kong maganda kase good mood ako pagkagising ko. SIguro tungkol sa amen yun. Tapos nangyare nga ang pinakarevelation sa buhay ko sa bahay namen. Natapos kame.

Nagtext ang 8888 na matatapos na ang c20 ko nung nakauwi na sia. Sa isip isip ko mamaya na ko mag eextend at sinesave ko nga yung mga calls ko . Tinawagan ko bestfriend ko. Saglit lang. Inaasahan ko may mga calls pa ko hanggang sa lumipas ang oras. Ginulantang ako ng text saken. . . na tapos na daw ang unli ko. shit. naooverlook ko ang mga bagay bagay na mahalaga at priority ko. Alam ko na may tendency na mawala sila pero pinabayaan ko lang. Tulad ng nangyare sa amin.I took things and HIM for granted.

-kdm

Tuesday, May 20, 2014

Bag

Everytime i go shopping, nanghihinayang ako sa mga bag na maganda physically at attractive pero poor quality naman pag kinilatis at sa loob ee parang yung ordinaryong nabibili lang din sa tiangge. Gustong gusto kong bilin kaya lang hindi naman worth. Parang tao, oo maganda physically, nakakaattract pero ang quality at substance  parang sa tyangge lang din-- mura pero pang short time lang ang gamit, disposable.

-kdm